pinned!

Helo & welcome!

hiii, ako si gabi. I'm currently studying in Sydney, but I've lived mostly in The Philippines, bouncing back and forth from Manila a...

cnu b yang gab na yan???

hiii ako si gab. i'm 20. graduating ngayon ng senior high school, pero dapat 2nd year college na. nag drop kasi ako nung grade 12 tapos nag transfer kaya nadelay talaga. ABM ako pero plano ko mag Nursing. Meron akong dalawang alaga. Isang isda at isang bato. Marami akong trip sa buhay. Dati mahilig ako gumawa ng mga maliliit na pelikula (ampapanget), mahilig ako kumuha ng litrato, meron akong website kung saan ko nilalagay yung mga thoughts ko o mga sigaw sa kalawakan, at meron akong radio station kung saan pinapatugtog ko mga paborito kong kanta para sa walang nakikinig. mahilig ako gumala kahit mahiluhin ako sa biyahe at pawisin rin. gusto ko yung pakiramdam na alam ko kung paano nakakarating kung san san. gusto ko yung pakiramdam na alam ko yung mundo ko. marunong ako sa gitara, pero hindi magaling. ilang beses sinubok ko magsulat ng kanta, pero di ko naman natapos kahit isa. mahal ko ang mga anik-anik. "hoarder" daw ako. totoo naman. gusto ko magkaroon ng sound system na maganda dahil gusto ko yung pakiramdam na tumatagos sakin yung mga pinapakinggan ko na kanta. mahilig ako sa mga kwento. marami rin akong mga kwento. pag ganitong busy ako ang cravings ko lang talaga yung mga unexpected conversations na tumatagal ng ilang oras at mag-iiwan ng malalim na damdamin na habang-buhay ko bibitbitin. meron akong mga collection ng stamps, cassettes, lumang CD, at mga resibo na siguro gagamitin ko sa art. from my perspective, medyo awkward ako minsan pero open book naman. i am comfortable sharing a lot of things. kaya din siguro hindi ako magaling sa boundaries. medyo duwag ako sa mga bagay bagay. meron ako dito sa bahay collection ng mga mahalagang litrato mula sa pagkabata at lahat ng mga liham na natanggap ko sa buong buhay ko. easily accessible yung collection na yun para sa pagkakataong kailangan magsalba ng gamit ay makukuha ko agad. paborito kong bulaklak ang bougainvillea. at gustong gusto ko yung mga acacia trees lalo yung malalaki sa UP. sa pananaw ko, duwag ako. madali ako maoverwhelm at nahihirapan ako mag-recover and mag-push through, pero swerte ako dahil meron akong mga kakampi sa buhay. hindi ko man lagi ramdam dahil may tendency ako na lumayo sa mga tao sa paligid ko at mag-isolate, alam ko na laging may susuporta sakin. marami akong ayaw sa sarili ko na karaniwan ko pa inaayos. unti-unti at minsan walang napapala, pero hindi ako susuko. meron akong specific at malawak na pangarap para sa taong gusto ko maging at hindi ko hahayaan na sumama ako sa pipigil sakin makamit ito. 

c gab

mga trip ni gab

No comments:

Post a Comment

End of Page ⋆˚꩜。

°‧ 𓆝 𓆟 𓆞 ·。