pinned!

Helo & welcome!

hiii, ako si gabi. I'm currently studying in Sydney, but I've lived mostly in The Philippines, bouncing back and forth from Manila a...

7/16/24

hintayan ng langit

sa wakas napanood ko na ulit yung "hintayan ng langit." naging favorite ko yung movie na 'to mula nung una nating panoorin. at alam ko kung gaano mo kagusto yung movie na to. do you still like it as much? 

i thought at this point hindi na kita makikita gaano sa kung saan saang mga bagay, pero halata naman na mali ako. pinipili ko rin kasi balikan minsan yung mga bagay na nagpapa-alala sakin ng pagkakilala ko sayo. 

naisip ko bigla, paano kung mauna ka sa akin? malalaman ko ba? when would i be aware that you have gone? siguro naman ako ang mauuna sa ating dalawa with how i'm living my life, pero paano nga kaya kung totoo yung nasa pelikula? aantayin mo ba ako? hindi ko rin alam kung aantayin kita. pakiramdam ko nag-iiba rin yung attitude ko sa mga pagkakataon na napagtatanto ko na ang paglalakbay na tinatahak ko ay dapat ko haraping mag-isa, malayo sa lahat ng bagay na maaari kong mamukhaan o makilala. 

sana maabutan kita bago pa naman may magpahinga satin. huwag ka sana tumakbo palayo. huwag sana ako mahiya. at kung maubusan man tayo ng pagkakataon, sana magkita tayo sa kalagitnaan. gusto ko sanang makamusta kita bago ka tuluyang umakyat sa kalangitan.




No comments:

Post a Comment

End of Page ⋆˚꩜。

°‧ 𓆝 𓆟 𓆞 ·。