pinned!

Helo & welcome!

hiii, ako si gabi. I'm currently studying in Sydney, but I've lived mostly in The Philippines, bouncing back and forth from Manila a...

9/27/24

tomorrow is finally the salary adventure

today is september 27. hindi ako nagdala ng camera ngayong araw. hindi ko akalaing marami-rami din akong lalakbayin ngayong araw. hindi ko rin akalaing ganito karaming damdamin ang aking dadamdamin. marami akong tawa ngayong araw. at kinabukasan maaaring maraming luha ang papatak sa damo ng sementeryo. hinihintay mo ba ako? mag-hintay ka pa ng isang gabi. bukas pupunta na ako.


ngayon nalang ulit ako hihingi ng tulong mo. hindi ko nais sirain ang karaniwang kapayapaan mo, pero ikaw na mismo ang unang nakaalam sa kanila na mahina lang naman ako. hindi ko talaga alam kung nais kong marinig mo ang mga isisigaw ko o gusto ko lang magkunwaring may gustong gusto makinig sa mga hinaing na bitbit ko.  


is it bad for me not to wish for you to come back? i'm wondering what you'd think of me now. eh nadelay pa ako sa school. what would you think of my friends? what if you actually met one of them? ang dami mong hindi nalaman. ang dami kong hindi na malalaman. 


pero juskoooooooo maya na ulit ako magdadamdam. kung alam mo, lagi akong busy ngayon. ngayong gabi mismo marami pako kailangan at gustong gawin so tom nalang good nighterz.


No comments:

Post a Comment

End of Page ⋆˚꩜。

°‧ 𓆝 𓆟 𓆞 ·。