hello ako'y nandito muli para ibuhos ang mga naisip ko ngayong araw. ang galing, hindi mo naman ata alam na ganito na tayo kaclose. eh kung kapitbahay ko lng naman ung sementeryo edi naririnig mo na agad yung mga ganitong kwento ko. gusto kong isipin na gumaganda ang buhay ko. kulang na kulang parin ako sa effort, pero paunti-unti nagagampanan at napagbibigyan ko ng panahon ang mga bagay na pinlnano ko noon. hindi mo naman nalaman yung mga plano ko para sa sarili ko, pero noong nagsisimula palang naman ako, hindi ko rin naman akalain na matutupad ko ang mga yun ng ganito.
masaya ako. takot na takot parin (wlang bago), pero masaya. marami pang mangyayari bago matapos ang buwan na to. i have no idea who i'll be by then. i have no idea who i'll be to them. ang tanging nais ko lang ay maging sapat ako sa mga tatahakin ko. naaalala mo pa ba yung kinwento ko sayo? isa yun sa mga pinaka mahalaga sakin ngayon. ayun din ang talagang nais ko malaman kung ano ang kalalabasan.
nabigyan ako ng pagkakataon na ipagpatuloy ang buhay na ito at gagamitin ko ang panahon ko para tugunan ang mga pangarap ng pusong wasak kabilang ang mga minamahal nito.
No comments:
Post a Comment