labas tayooo! umaga sana. mag-almusal ka muna at mag-ayos. sunduin kita sainyo tapos biyahe tayo papunta sa una nating destination. inaantok ka pa ba? sandal ka nalang sakin kung gusto mo muna pumikit. suportahan ko ulo mo kung maalog ang biyahe. kumusta ka naman? naging sapat ba ang tulog mo? sana naman hindi ka nagmadali sa pag-aayos mo. mabuti nalang hindi gaano traffic ngayon. sa palagay ko sakto lang yung magiging dating natin sa una nating destination. oh diba? nandito na tayo agad mwehehe. let's spend a lot of time here. maaliwalas pala talaga dito, no? ang sarap ng hangin at magaan ang paligid. okay ka lang ba? hindi naman na siguro masyadong maaga para mag ice cream tayo, no? bili muna tayo, kumain, at maupo. simulan na natin ang mga kwento mula sa nakaraan natin. tututukan ko ang bawat kwento mo at pipiliting makabisado agad. sana hindi ka magtaka kung maglalabas ako ng papel at isusulat ko ang ilang detalye na sasabihin mo. kapag nabored na tayo, let's walk to somewhere else. baka sa paglalakad natin through the crowds maging silent tayo for a time. it's okay for me. i hope it's okay for you. i always loved our comfortable silence. sometimes i just want to focus on the sound of your breathing. i want to listen to how the soul so bewitching is alive and its physical being's working just fine. i'm pretty sure one of us is about to say something. i can't wait to hear what you might say. i might bring up a memory i have of the places we come accross if i've been there before. or i might say something out of pocket that may or may not be beyond our boundaries. you already know by now that i'll tell you anything. but you don't have to say anything.
let's have lunch somewhere cheap and tasty. saan gusto mo? meron ka bang specific na cravings recently? okay lang kung abutin tayo ng matagal sa pagpili ng kakainan, basta gusto nating dalawa yung pipiliin natin. ako na mag-oorder kung marami tayo kasabay kumuha ng upuan. magpahinga ka nalang muna dyan. we can freshen up in the restroom before we eat. magkatabi ba tayo ngayon or magkatapat? mas masaya ako kapag katabi kita, pero mas madali ka kuhanan ng litrato kapag magkatapat tayo. wag ka na sana mahiya pag tinututok ko sayo ang camera. alam ko na may specific na itsura ka kung saan confident ka makuhanan ng litrato, pero sana maintindihan mo na lahat ng anggulo mo'y maganda. sana makita mo rin yun. sana maipakita ko sayo yun. pahinga lang tayo saglit pagkatapos kumain at ituloy na natin ang paglakbay. nabusog ka ba? inaantok na ata ako bwahaha. joke lang.
ang bait talaga ng panahon. mabuting magpayong tayo, pero hindi naman gaano matindi ang sikat ng araw. aling museum ang pupuntahan natin ngayon? doon ba tayo sa parehas nating hindi pa napuntahan? feeling ko kahit alin naman piliin natin may makikita tayong magugustuhan natin. sakto! wala masyadong tao sa museum. maliban sa mga empleyado nito, parang ikaw at ako lang ang nandito. waw, ang ganda nga ng painting na yan. ano nagustuhan mo dyan? ano yung mga iniisip mo sa mga nakikita mo na art? ano kaya yung mga una mong napapansin sa bawat litrato? ito naman yung nagustuhan ko. magkano kaya to?
paunti-unti na lumulubog ang araw paglabas natin ng museum so we find a comfortable place to sit muna. nakakapagod rin yung mga nagawa natin so far. when we catch our breath, can you tell me something? can you not stop talking? i'll listen to everything. i might not be able to say much, but i hold everything we share close to heart. let's show each other photos of our old selves and of the people we love. i like to imagine myself being fully integrated into your world. i like to hope i can belong to you.
bwahah gutom ka na rin? dinner na tayo. yung malapit nalang siguro sa sakayan para dere-deretso na tayo after? kung kanina magkatabi tayo, magtapat naman tayo ngayon. kung kanina magkatapat tayo, magtabi naman tayo. baka paubos na lakas natin nito at hindi na ganun katindi ang mga tawanan natin, pero alam natin kung gaano kasaya ang oras na inaksaya nating dalawa. kain lang tayo at balikan na rin kaunti sa isip natin ang mga pinagdaanan natin ngayong araw. check na rin natin mga notifications sa mga cellphone natin. kung may naiisip ka sabihin sana sasabihin mo agad. kapag okay ka na, biyahe na tayo pauwi. hatid kita ha? kung sa jeep, upo tayo sa paborito mong pwesto. hindi mo naman ata paborito talaga yun, pero halos nandun tayo palagi. kung sa bus, ikaw sa bintana at kung punuan, ako ang tatayo sa tabi mo. kung sa tren at punuan parin, sakin ka nalang kumapit kung nangangalay ang mga braso mo. sorry nalang kung parehas tayo bumagsak sa biglaang pag-andar niya hahahaha joke lng. sandal ka na kung inaantok ka na. sandal ka at sasandal din ako. kapag nakasandal ka sakin, halata ba na mukha akong ewan na pinipilit hindi igalaw ang katawan? pinapakalma ko rin paghinga ko para relax ka lang. 'pag malapit na tayo sainyo, magpapasalamat na ako para sa araw na 'to. alam mo naman na siguro yung mga masasabi ko. sobrang thankful ko, sobrang saya ko. alam mo rin sana na laging totoo yun. pagdating natin sa kanto mo malamang pawis pawis na ulit ako at malalim na ang mga mata. ikaw naman ay walang kupas. muli akong magpapasalamat para sa buong araw na ako ang pinili mong makasama. asahan mo na may gagawin ako sa mga resibo natin at mga litrato mo. ipapadala ko nalang kapag na-edit na. sige na babiyahe na ako, pero pahingi muna yakap para mabilis lakad ko papunta sa sakayan dahil sa kilig. sasabihan kita pag nakasakay na ako ng jeep, nakalipat sa FX, at pag nakarating na sa bahay. ako ang pinaka-masayang nilalang sa buong mundo ngayon. sasabog na ang puso ko. hindi ko na kakayanin pa ayusin ang mga gamit sa bag ko pag-uwi at mukhang ako lang mismo ang kaya ko ayusin at linisin para makahiga na agad.
minsan kinakabahan ako kung naririnig mo ba ang damdamin ko, kung naririnig mo ang mga gusto niyang itanong sayo. can i hold your hand as we go? can i copy your footsteps as we walk? i think we look cute together and i can't believe i'm here with you. nako andami niyang arte na ganyan. hindi niya pa alam kung kelan ang panahon natin para sa mga ganung bagay, pero naniniwala siya na dadating din ang tamang panahon. aaminin ko nga lang na iniisip niya minsan na sana malapit na yun bwahaha.
napansin ko na sa tuwing magkasama tayo, hindi ako kasing alisto kumpara sa mga lakad ko mag-isa. hindi ko nakikita lahat ng detalye na kadalasang kinahihiligan ko. napagtanto ko nalang na madalas ay nasayo na ang tingin ko. pinipilit ko kabisaduhin ang hugis ng mukha mo, paano lumilipad ang bangs mo, paano ka natutuwa sa mga ulap sa langit, paano ka natatapilok sa mga bato sa kalsada (hahaha), at kung ano ano pa.
hindi ko alam kung masasabi ko 'to sa'yo, pero nothing has to change after this. nothing has to happen. we don't have to change. just please, don't hate it. please don't hate it. i am just so lucky, and i won't deny that i fear all this luck will run out.
i edited this from my august journal. it has not happened and i am not letting it affect my life in any unrealistic and/or negative way. maraming mali sa grammar and sa paggamit ng present & future tense, but pagod n aqqqq. furgetaboutit.

No comments:
Post a Comment